Biyernes, Pebrero 2, 2018

ALAK BLOGS (Tips in drinking these)

                                                                      RED HORSE

Related image

Ito na ata ang pinaka pang masang alak sa ating lipunan HAHA
Eto din ang mga budget friendly ng mga party-goer millenials na walang pera pero ang lakas maka-tambay  sa mga ilang bars or club, basta may 300 pesos ka ay makakabili kana ng isang bucket sa may fairlane sa bypass. Ang gagawin mo na lang e lagyan ng madaming yelo yung baso at konting Red Horse.
Eto din  yung alak na sinasabi nilang nakakalaking tiyan. Kung yang tatay niyo malaki yung tiyan e pustahan tayo red horse iniinom niyan.

So eto, masarap yung lasa ng red horse. Mas matapang siya sa ibang local beer at may may lasa. Oo lasang kalawang yung beer pero eto mangangamoy chico ka talaga lalo na pag pinanligo mo. Oo nakakalasing to. Sa isang Stallion e medyo iikot na ang paningin mo.

Murang mura lang to sa mga suking tindahan kaya madalas e eto yung suki sa listahan. E paano ba naman sobrang convenient nito. Di mo na need ng chaser e. Yelo saka pulutan na lang. Minsan nga yelo na lang. Pag malamig di na kailangan.

Recomendations
1. Mas masarap to pag mas malamig.
2. Mas masarap to pag broken hearted ka.
Lasa: 8/10
Chaser: No need. Lamig lang sapat na.
                                                                              GIN
Image may contain: drink

Sa halagang 50 e malalasing mo na buong tropa mo HAHAHA. Eto yung madalas sindihan at inumin ng mga taong walang pera. Budget drink kumbaga. Pero eto pre malupit to. Napakadaming paraan kung paano mo ito iinumin.Pwedeng Gin+ Tubig kung gusto mo na mamatay dahil sunog atay kang loko ka HAHA , gin kalamansi ( pipiga ka lang ng kalamansi kada isang shot), o kaya  kung may chaser ka na paghahaluan. 

But wait, there's more! Pwede ka dito magchemisty pre. Yun yung tinatawag nilang "SINDI". Bale itatapon mo yung gin sa chaser pero mag iiwan ka ng konti. Dapat sa pitsel nakalagay yung chaser mo. Saka mo sisilaban ng posporo o kaya lighter yung bunganga ng bote na may konting alak.Pagka sindi e mag-aapoy yan. Dapat mabilis ka dyan pre. Isasalok  mo ang boteng may apoy sa chaser tapos hihiguoin niya yun. Medyo delikado. Masarap ang lasa depende sa timpla at sindi.

Pero ito kakaiba tama neto pre. Nakangiti ka pa din kahit lasing ka na tapos dito niyo mararanasang magkwentuhan tungkol sa ekonomiya ng bansa. HAHAHA

Recommendations:
1. Try niyo yung Ginoco ( Gin, tatlong Choc-o saka yelo) sobrang sarap neto. Less than 100php lang makakainom ka na ng alak na mapapatae ka kinabukasan,
2. Mas maganda kung mas madaming sindi yung gagawin mo dahil mas matatangal yung aftertaste ng alcohol.

Lasa:
4/10 (walang halo)
7/10 (may halo)
9/10 (may sindi)

                                                                      EMPERADOR
Image result for emperador iced

Sa halagang 118php  e may isng bote kana at ewan halos lahat ng tindahan meron kasi nga mura lang at sigurado ako na malalasing ka agad (Ikinabulagta ko ito HAHAHA).

About sa lasa eto masarap lasang kamatayan na may demonyo na nakakapit sa lalamunan mo hahaha de jk lang, ang panget ng lasa niya Sabi nila pag uminom ka e makakalimutan mo yung problema mo pero pag empi yung iniinom niyo mukhang madadagdagan e.

Bearable naman yung hagod niya pero badtrip ang pangit talaga e. Sa lahat ng lights eto yung hindi ko malunok pag walang chaser tapos masusuka pa ako. Madalas ito sa mga may okasyon kasi nga mura na, nakakasuka pa. literal na masusuka ka kahit di kapa lasing pero iniinom pa din natin kasi nga gusto mo malasing. Kaya saludo ako sa mga kinakaya na empi + yelo lang. Pinapahanga niyo ako ng sobra HAHAHA

Recommendations:
1. Mas masarap to pag matamis yung chaser ( lalo na pag Iced Tea) kaso humanda ka pagkagising mo bukas.
Lasa: 6/10
Tapang: Sobrang tapang
Chaser: Iced Tea talaga the best dito pero mas mabuting wag kana uminom neto.




                                                                   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento