Biyernes, Pebrero 16, 2018

ALAK BLOGS PT 3

                                                                SMIRNOFF MULE

                                            Image result for smirnoff mule
        Medyo mag pagka-traydor to dahil sa unang dalawang bote, ang topic niyo ay umiikot ukol sa pagsasamahan niyong magbabarkada. Pag nagka-apat kana tungkol na sa pag-ibig pag uusapan niyo, siguradong lahat makakarelate sa topic at ang iba ay mababadtrip. Pag naka limang bote na, ikwe'kwento mo na yung mga nabasa mo sa deep web enigma. Wag niyo i-underestimate yung 6% alcoholic content neto kasi nag- aadd to kada bote na iniinom mo.

        Masarap to promise. Hawig niya yung lasa ng dalandan na soda pero may halong Vodka. Matamis-tamis ito, para kang nakikipaghalikan sa tamis HAHA, tama lang kase mixture neto kaya madaming umiinom sa busit na to, dahil sa halagang 34 pesos, may isang Smirnoff kana, pero kung gusto mo malasing, wag ka bibili ng isa syempre.

        Walang hagod to kaya pwede mo tong inumin kahit saan. Pwede mong ilagay sa plastic na may straw LOL. Iba nag tama neto kasi kapag naka-apat kana sasakit yung ulo mo tapos pag sisisihan mo lalo na pag anim ininom mo HAHA, pero wag ka mag-alala paggising mo parang wala lang lahat. Bale parang pamapatulog lang to sakin Pero masarap.

Lasa: 8/10
Tapang: Maamong inumin HAHA
Chaser: Wala


                                                                  ANDY PLAYER

                                    Image may contain: drink

       Andy Player? Eh mas matapang pa to kesa pagmamahal niya sakin e HAHAHA de biro lang kasi sa sobrang tapang neto pre pati pusa mo napapa "hayy" dahil sa totoo lang hindi ako nasasarapan dito, eto ata yung alak ng mandirigma e, sinasabi ko na sayo pag-ininom mo to dapat may tsupon ka dahil pang sanggol to e haha, parang lasang Jack Daniel's na nilagyan ng tubig tsaka hinalo sa RC cola, haay sinasabi ko na sayo kung iinumin mo to para magwalwal aba isusumbong kita sa nanay mo HAHAHA. Kung ako sayo mag coke ka nalang mas nakakalasing pa yon kesa dito.

        Recommendations:
1. Wag kang iinom neto sa harap ng mga alagang hayop mo. Baka magtawag kapa ng uwak.

Lasa: 4/10
Chaser: Wag mo ng inumin to. Sayang lang.



                                                           EMPERADOR GOLD

                                       Image may contain: drink and indoor
    Eto yung  April fools prank ng Emperador Brandy satin e. Bale gold yung bote nyan pre kaya patang ang sarap subukan no? tapos nasa 260 something lang kaya sa tingin mo masarap. Edi yan mapapabili kana. Pag ininom mo yan sinasabi ko na sayo HAHA parang gusto mo ibalik sa pinagbilan mo.

   Kung ang Emperador Lights ang sugo ng demonyo, eto na ata yung mismong demonyo HAHAHA. Sobrang tapang putcha.

    Ang lasa neto isipin mo empilights tapos doblehin mo yung pagiging panget ng lasa niyan. yung guhit nyan sa lalamunan sing haba ng NLEX anak ng bawang yan, gumuguhit talaga hanggang pag-ihi ko. Kung natikman mo na to, okay lang yan I feel your struggl. Pero kung hindi. SOBRANG SWERTE MO. Malakas din tama neto nakakalasing pero pangit talaga lasa. Malalasing ka sa pagrarant

Recommendations:
1. Wag mo ng bilhin. Masyadong matapang.
2. Wag mo na bibilhin kung may awa ka pa sa sarili mo.

Lasa: 5/10
Tapang: Sing tapang ng Aso mo.\
Chaser: Matamis na matamis na matamis na Juice. Wag ka magtutubig, magiging Heneral ka pagbangon mo bukas.







           



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento