Biyernes, Pebrero 9, 2018

ALAK BLOGS PT 2

                                                            SAN MIGUEL PALE PILSEN

                                         No automatic alt text available.

   Pangalan palang pre parang nakakatanda na HAHA. Eto ang serbesa sa paborito ng mga tatay at lolo ng kahit sinuman. Masarap na kahalo neto yung videoke na nirerentahan tapos may kumakanta ng BEER o kaya NARDA. Kadalasa sila yung sinusugod ng barangay.

   Eto din ang ang best seller sa mga bar na nasa liblib dahil may mga babaeng kasama at madalas pale pilsen ang nagiging sanhi ng mga tambay na magkakaalitan kaya nauuwi sa suntukan.

   Purong kalawang lasa neto HAHA. Isipin mo na lang umiinom ka ng carbonated tansan, pag nadighay mo to e baka isipin mo na kumakain ka nga bakal HAHA. Masarap na pulutan dito yung mani na may bawang, Pag nakarami ka neto sobrang sakit sa ulo. Ikaw ba naman parang umuuinom ka ng tansan. Saka ang bigat neto sa tiyan. Kung nararamdaman mo na nag mid life crisis e eto ang beer mo.

Lasa: 7/10
Tapang: Matapang pa sa tatay mo
Chaser: No need. Lamig lang pwede na.


                                                                 TANDUAY ICE

                               Image may contain: drink and indoor


    Isa lang ma su-suggest ko rito, bumili nalang kayo ng Gatorade HAHAHA kung eto lang din iinumin niyo lol, May electrolytes pa yun kesa dito, wala ka mapapala HAHA

    Wag ka magpapakita sa mga magulang mo pag iniinom mo ito HAHA kasi iisipin nila isang malaking kapalpakan lol, at wag mo ito iinumin sa harap ng tropa mo kasi iisipin nila na nanonoood ng ka ng powerpuff girls. Pero pede padin naman inumin to basta magtago ka lang sa harap ng madaming tao. Pag binili mo to sa puregold o kaya savemore, sumisimpleng tumatawa yung cashier sayo pag minsan.

   Ang lasa neto men, lasang carbonated drink na nilagyan ng artificial flavor saka vodka. kahit makailang bote ka talaga hindi ka malalasing (Wag lang 100 bottles HAHA) , pero pag may kasamang hard drinks to, understandable yon HAHA. Kaya kapang may nakikita kang umiinom ng Tanduay Ice sa kanto kanto, please wag ka tatawa, intindihin natin sila HAHA

Recommendations:
1. Wa iinumin in public kung ayaw malait ng iba.
2. Wag mo na bilhin sayang pera mo.

Lasa: 4/10
Tapang: Pag binili mo to, parang naalis yung tapang mo sa katawan.
Chaser:  Eto ang Chaser HAHA

                                                                          THE BAR

                               Image may contain: drink

        Matagal ng inumim to, Highschool palang ata ako noong nauso to, Eto yung mga panahong nag GG-M ka pa ng  "e0w guyz! tAra SHot!" sa 100 textmates mo sa text clan tapos eto yung iinumin niyo kaya excited na excited kapa kasi makikita mo na si emo_MAPAGMAHAL HAHAHA.\
 
      Eto yung vodka na may may flavor pero hindi mo malasahan kasi lason to pag inis-straight mo. Lagi ting sinasahog kasama ang paborito niyong Tang na juice, huling tikim ko neto highschool pa tas di ko na inulit, nakakamiss din tikman to kase naalala ko nanaman yung panahon na sinukahan ko yung pusa nung kapit bahay namin.

     Malakas din ang tama neto kaya ayoko na inumin. Eto ata ang magpapasukat ng alcohol tolerance mo, unang inom ko dito nun gusto ko magpada sa albularyo dahil sa lakas ng tama, pero isa to sa mga cheap ng Vodka na nakikita ko sa merkado, kahit mga badjao pag nawala yung isang envelope nila e, magdaradama yun e HAHA

Recommendations:
1. Kung ano yung flavor ng Vodka mo e yun din yung iflavor niyo sa chaser niyo, Siya rin naman lasa. MAPAIT.
2. Wag mo ng subukan to.

Lasa: 8/10
Tapang: May hagod to, kaya mag ready ka
Chaser: TANG juice
           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento