Biyernes, Marso 2, 2018
ALAK BLOGS (HOW TO CURE HANGOVER)
Magbibigay ako ng mga tips and remedies kung paano ma suppress ang inyong hangover. Madalas ito ang nagbibigay rason kung bakit minsan ayaw mo ng uminom at inisip sana hindi ka nalang uminom hindi ba? HAHAHA
Recommendations:
1. Drink plenty of water.
Napaka importante na napapanatili mo na hydrated ang iyong katawan, dahil napaka init sa katawan ng alak, lalo na kapag hard drinks ang iyong iniinom, naranasan mo na ba na kahit naka aircon na ang kwarto mo, eh parang nasa impyerno ka. Kung gusto mong hindi ganun kalala hangover mo. UMINOM KA NG TUBIG PLEASE LANG.
2. Drink sports drinks. ( I recommend Gatorade)
Tulad ng sinabi ko kanina nakaka dehydrate ang pag inom ng alak at ito ay nakakaubos ng lakas, kailangan mo ng electrolytes para ika'y lumakas para sa susunod na gyera sa pag inom. HAHAHA
3. Kape
Kape. Iyan ang pinaka mabisa sa lahat. (sa tingin ko) lalo na kapag mainit talaga, wag kang mag i-iced coffee sigurado ako magtatae ka lang diyan. Kailangan mo ng pampakalmang kape HAHAHA, rich in caffeine kase to kaya pampagising talaga.
4. Sleep Again
Ang pinaka the best HAHAHA, ang matulog ulit, dahil groggy ka kagising mo dahil sa bwisit na alak na yan HAHAHA, sigurado ako masakit na masakit ang katawan mo pati na ulo mo, at ikaw na ata ang pinakatamad na tao sa pamilya niyo, dahil gusto mo lang maghapon ay matulog ng matulog, sasabay pa yung hindi ka makakain, dahil alam mong isusuka mo parin yan. HAHA, ang masama pa niyan kapag sumakit pa tiyan mo, aynako po HAHA. isusumpa mo ang alak.
5. WAG NG UMINOM!
Yan naka bold na ah! HAHAHA kung ayaw mong maranasan ang masamang hangover. wag na wag kanang iinom HAHA, kung hindi matiis. DRINK MODERATELY ika nga, para maisalba ang sarili.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento